Haha! BOBO ka pag di mo naintindihan yan!
Ganito kasi yung nangyari eh.. (ayiiieee!! nikekelegss akoooo!)
4:58 ng hapon...
Naglalakwatsa pa rin sa mall.. Galing kasi kami nun sa Grab-a-Crab pagkatapos pumunta sa birtdey ng aking kaklase/kaibigan. Naglibot lang kaming anim nun, dun pa rin sa KCC Mall of Gensan. Kasa-kasama ko lagi yung close friend ko sa grupo nmin, si Leze.
Sabi pa nya, "haz, punta tayo sa WOF, hanap tayo dun ng gwapo!"
Sabi ko, "Tara haz! Hanap na tayo!" (kinikilig)
Maya-maya, nakita namin ni Leze ang ex nya! Hahaha! Oo, natatawa ako nung mga oras na yun. Akalain mo nga naman diba? Sa karami raming taong makikita mo dun, ex pa nya ang makikita nya..
Leze: "Tena haz.. walang gwapo dito! Nakakabadtrip ang mga tao dito." (naiinis ang luka-luka!)
Ako: "Punta na lang tayo sa department store. Sukat tayo ng mga sapatos dun."
Leze: "O. sige.. Sabihan na muna natin sila Mainechar.."
NIyaya na ni Leze ang iba na pumunta na kami sa department store.
Ayun, sinusukat ang mga sapatos, sandals. Akalain mo ring bibilhin nila yun, di naman!
Grabeeehh! At di ko namalayang gabi na sa labas! Whoooosshhh!
Maya-maya, napunta na kami sa exit ng department store... Nakita kami ni Anila! at... kasama nya si Kram, boypren nya...at may kasama pang ibang ulupong si Kram! LOL
Hindi ako nakikinig sa sinasabi ni Anila, kasi may nakakuha ng atensyon ko. Yung mga kasama ni Kram. Pag tingin ko sa kanila nun, isang chubby, at dalawang taong hindi biniyayaan ng height.. Pero di ko pinansin yun.
Gumagabi na, naisipan ko na talagang umuwi nun! Kasi kung hindi pa, KUUUUUUUU!! Mantas lang ang di mapapagalitan. Nag-aalala na raw parents ko ee. Kaya ayun, sumakay na ako sa may terminal.
At nang malapit ng ma-okupa ang mga upuan, nakasabay ko sila Kram at ang mga kasamahan nya. Yung chubby nga? Suusss !! Mameng! Ang cute cute nya! Halos maghihiyaw ang puso ko sa tuwa at nakasabay ko pa ang cute na taong to. Ayun! At nang nakaupo na sila, bumyahe na rin sawakas ang sasakyan. (Salamat naman!)
Tinawag ako ni Kram, sabi nya, "Ate Icchy, ba't di mo kasama si Anila?"
Sabi ko naman, "Natural, kasi wala naman sya dito diba? SAka dito ba sya sumasakay?"
Kram: "Kapareha talaga kayo ng ugali ni Anila bah!" sabi pa nya na natatawa.
AKo: "Ay hindi! hindi .. LOL"
Napadako ang pansin ko sa cute na lalaki. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng cute na kasama ni Kram, hiningi niya yung cellphone number ko.. Binigay ko rin naman, eh kasi sa cellphone nung boy i-sa-save ee! haha!
SAyang! At malapit na yung babaan ko. Kumatok ako, at aba! Tinulungan pa ako ni cute! Hahaha ! Kilig na kilig talaga ako! Halos mabaliw ako ng bumaba na ako.
Pagkatapos nun, ng makapasok na sa bahay, kinuha ko agad ang cellphone ko. Napa gm ako kay Anila!
Sabi ko, "Nil, anong pangalan nung naka polo na lalake na kasama ni Kram? Ang cute nya masyado! :D"
Anila: "Yung nakacheckered ba? :D "
Ako: "OO!! Sya nga ! Hahhaha!"
Anila: "Si PJ yun! hahaha! Sinasabi ko pa nga ba eh! Mukang may mangyayari talaga! Hahahahha! Uyyyyy!"
Ako: "AY ganun? Wala pa nga akong sinasabi eh.. LOL .. pero crush ko sya.. "
Anila: "ayiiiee!!! Baka ikaw yung tinitingnan nya kanina na malapit na sya matamaan dun sa pader kasi baling ng baling sa likod."
Ako: "Ayiiieee! Ako na kinikilig! ^____^ "
Anila: "haha!Bigay ko sayo number nya.."
Ako: "O cge ba!"
At ayun ..nakilala ko na nga sya. Sya pala si PJ. At para paikliin ang kwento, nagtext-text na kami ngayon. Hindi ko alam kung saan patungo itong kwento namin ng crush ko, pero ang alam ko lang, crush nya rin ako. (ayyyiiiieeeee!!!tama na,,kinikilig ako!)
ITUTULOY... :]
hahahah..go girl!!
TumugonBurahinpadayon sa imong gibati..hehehe..
iDOL~!!
wahahhaha !! estor ra nah ui .. wewtz
TumugonBurahin